US diplomat, patay sa saksak sa Makati

PATAY ang isang 41-anyos na Amerikano ng pagtulungang gulpihin at saksakin ng apat na lalaki sa entrance gate ng Bel -Air Village sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Makati City chief of Police Senior Superintendent Manuel Lukban ang biktima na si George Anico , isang US diplomat na naninirahan sa nasabing Village. Nakilala naman ang apat na suspek na sina Crispec de laPaz,28 anyos ,estudyante ng De La Salle University , Juan Abastillas, 24 anyos, Galicano Datu III,22 anyos, isa ring estudyante ng De La Salle, at Ospic Caburay 27 anyos, lahat ay pawang nakakulong na sa Makati City Police .

Ayon sa ulat ng mga imbestigador, dakong alas-4:20 ng umaga ay kausap ng gwardiya ng Bel Air ang apat na suspek na sakay ng isang Volvo SUV na may plakang TOJ-886 ng dumating ang biktimang si Anico at sumabad sa usapan .

Sa kasagsagan ng mainit na palitan ng salita ay kinalabog ng biktima ang hood ng Volvo ng mga suspek na lalong ikinagalit ng mga ito kayat sabay -sabay na lumabas ang mga ito ng SUV at pinagtulungang gulpihin ang biktima hanggang masaksak nga ito.

Nang sumalampak ang biktima sa kalsada ay nagpulasan ang mga suspek palayo sa lugar sakay ng kanilang SUV subalit inabutan ng mga rumespondeng pulis na nakasakay sa dalawang motorsiklo.

Dumating din sa lugar ang Makati Rescue at kaagad na itinakbo ang biktima sa Makati Medical Center kung saan binawian ito ng buhay dakong alas-7:20 ng umaga.

Kinumpirma naman ng US Embassy na diplomat nga nila ang nasaksak na biktima at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa Makati City Police para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa apat na suspek na pinaniniwalaang galing sa mayayamang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply