US Embassy sarado sa Lunes, Nob 12

SARADO ang tanggapan ng US Embassy sa Maynila sa Lunes, Nobyembre 12, maging ang kanilang affiliate offices dahil sa pagdiriwang ng Veterans Day.

Isang American holiday ang Veterans Day na taunang ipinagdiriwang sa Estados, Unidos tuwing Nobyembre 11.

Ang naturang petsa ang araw kung kailan nagtapos ang giyera noong Word War I.

Babalik naman ang regular offices ng embahada at iba pa nilang tanggapan sa araw ng Martes. Nobyembre 13.

Ang Nobyembre 11 ngayong taon ay tumapat ng Linggo kaya ideneklara ng gobyerno ng Amerika na holiday ang araw ng Lunes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply