US national na hinihinalang drug dealer isinailalim sa inquest proceedings

ISINAILALIM na ng Department of Justice sa inquest proceedings ang isang US national na nahulihan ng P50 milyon halaga ng  hinihinalang shabu ng Philippine National Police (PNP) Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force sa Makati City nitong Nobyembre 20.

Pinangasiwaan ni state prosecutor Ana Noreen Devanadera ang inquest proceedings kay Kevin Bryan Hills, 33 anyos, residente ng Column Tower 2, Ayala Avenue, Barangay Bel-Air, ng lungsod.

Isinasagawa ang inquest proceedings sa mga pag-aresto ng walang warrant o panghuhuli sa akto habang isinasagawa ang krimen.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Gary Lauron, na hihilingin nila sa DOJ na magsagawa ng preliminary investigation.

Tumanggi naman si Atty. Lauron na magbigay ng komento hinggil sa Mitsubishi Pajero kung saan nasamsam ang siyam sa sampung kilo ng hinihinalang shabu.

Paliwanag niya, collaborating counsel lang siya at si Atty. Raymond Palad ang abogado ni Hills na nagkataon naman na may ibang commitment ngayong araw kaya hindi ito nakapunta sa DOJ.

Matatandaang inihayag ng National Power Corporation na pag-aari nila ang Mitsubishi Pajero na kanilang ipinahiram sa chief of staff ni dating Pampanga Representative Juan Miguel Mikey Arroyo noong 2008.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply