US Navy contractor, nadiin sa toxic waste probe

sen-loren-legarda

NAPATUNAYAN sa unang pagdinig ng Senado na maliban sa may paglabag sa batas, toxic o napakarumi ang itinapon na basura ng US Navy contractor sa Subic Bay na sapat para makasira ng marine life tulad ng mga isda at iba pang lamang dagat.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on foreign relations at committee on environment and natural resources na pinamumuan ni Sen. Loren Legarda, natuklasan na walang permiso mula sa Philippine Coast Guard ang Glenn Defense Marine Asia ang contractor na kumukolekta ng dumi sa barko ng US Navy para magtapon ng toxic waste sa karagatan ng subic.

Depensa naman ni retired Vice Admiral Mateo Mayuga na siyang chairman ng US Navy contractor, hindi na nila kailangan ng permiso dahil hindi na teritoryo ng Pilipinas ang kanilang pinagtapunan lalo’t nasa 17 milya na ang layo nito mula sa pampang, pero ayon sa Phlippne Coast Guard, saklaw pa rin to ng Exclusive Economc Zone.

Lumalabas na exit permit lamang mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang hawak ng US Navy contractor na itapon sa high seas ang toxic waste, na ayon kay Legarda paglabag pa rin sa Clean Water Act.

Sinabon naman ni Legarda ang kinatawan ng US Navy contractor, nang ituring na pre-treated na ang nakolektang dumi mula sa barko ng US Navy, samantalang inamin mismo ng kapitan ng barko ng Estados Unidos na wala silang pasilidad para i-treat ang dumi bago ibigay sa contractor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply