US trip ni Padaca, dinepensahan ng Comelec

DINIPENSAHAN ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes,Jr. ang trip sa Estados Unidos  ng dalawang komisyuner habang abala naman ang komisyon sa preparasyon para sa 2013 idterm elections.

Ayon kay Brillantes, siya dapat ang lilipad patungong Amerika ngunit ipinaubaya na lamang niya ito kay Commissioner Grace Padaca.

Paliwanag ni Brillantes, si Commissioner Padaca ang itinalaga niya upang tutukan ang campaign finance, dahil ito ay isang certified public accountant.

Dagdag pa ni Brillantes,  mas may kaalaman si Padaca sa usapin ng campaign finance .

Habang si Commissioner Armando Velasco ay pagtutuunan naman ng pansin ang mismong proseso ng eleksyon at ang bilangan.

Ayon pa kay brillantes, ang byahe ng dalawang opisyal ng poll body ay todo tipid at malaki rin ang mapapakinabangan dito ng komisyon para sa nalalapit na halalang 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply