UST abante sa Finals ng PCC League

MAGTUTUOS ang dalawang kampeon na Ateneo Blue Eagles at San Beda College Red Lions para pag-agawan ang isang slot sa Finals ng Philippine Collegiate Champions League bukas ng hapon sa San Juan Arena.

Parehong tangan ng reignings UAAP champion Blue Eagles at NCAA champion Red Lions ang 1-1 win-loss record kung saan ay naghihintay na lamang ang University of Sto. Tomas Growling Tigers kung sino ang makakaharap sa kanila para sa titulo.

Kinalmot ng Tigers ang Red Lions, 63-60 kahapon upang siguruhin ng una na maglalaro sila sa Finals.

Si Aljon Mariano ang nanguna sa opensa para sa Tigers matapos kumana ng 16 points, 11 dito sa second half.

Nagdagdag naman ng tig-12 puntos sina Karim Abdul at Jeric Teng.

Ayon kay Tigers coach Pido Jarencio na gustong manalo ng kanyang mga bataan kaya naman sa third canto ay hinawakan na ng UST ang manibela hanggang sa matapos ang laban.

Bandang alas-kuwatro ang rubber match ng Ateneo at San Beda habang sa unang sultada sa ganap na alas-dos ay popormalin na lang ng UST ang pagpasok sa Finals laban sa CESAFI titlist Southwestern University na may 0-2 karta.

Nagkaroon ng tsansa para sa Finals ang Ateneo nang talunin nila ang Southwestern U, 96-78.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply