Stude nahulog sa building sa UST, patay

INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad ngayon ang pagkamatay ng isang 3rd year University of Sto.Tomas (UST) Biology student na napaulat na nahulog mula sa ika-apat na palapag ng main building bandang alas-2:00 kahapon.

Ayon sa ilang estudyante, nagulat na lamang sila nang makitang may bumagsak na tao sa kanilang harapan, Naisugod pa sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Jonah Ortiz ngunit idineklara na ring patay dakong alas-7:40 kagabi.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng awtoridad kung nahulog, sinadyang tumalon o may tumulak sa  naturang estudyante.

Base sa report na nakalap ng awtoridad, sa mga mag-aaral ng UST, sinabi ng ilang mag-aaral na nasa main bulding, ang biktima at nakarinig na lang sila ng malakas na paglagabog sa left wing.

Ayon kay Ginoong Archie Gonzales, vice president ng Central Student Council, magbibigay ng opisyal na pahayag ang College of Science ngayong umaga.

Nagtataka rin ang awtoridad kung bakit hindi ipinaalam sa pulisya ang insidente at sinasabing hindi pa naka-blotter sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply