Utak ng pyramiding scam sa Pagadian City, hulihin — DILG

IPINAG-UTOS ni Department of Interior of Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang puspusan at walang puknat na paghahanap sa utak na nasa likod ng pyramiding scam sa Pagadian City.

Personal na nagtungo sa Pagadian City si Roxas para pakinggan ang reklamo ng mga biktima at alamin ang tunay na pangyayari at modus operandi ng suspek sa naturang scam.

Ayon kay Roxas, binigyan na niya ng direktiba si Police Region 7 Director Marcelo Garbo, Jr. para arestuhin ang mga suspek lalo na ang utak na kinilala sa panglang Manuel Amalilio na resident eng Cebu at umanoy chairman ng Aman Future Trading.

Sinabi ni Roxas na dapat managot ang mga suspek dahil maraming nalinlang ang mga ito tulad ng mga guro, mga pensyonado at maging mga pastor na ginamit ang pera ng kanilang simbahan sa naturang investment.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply