Utak sa ABS-CBN talent slay, pinababasura ang kaso

julie-ann-rodelas

NAIS ng isa sa utak sa pagpatay sa modelo at ABS-CBN talent na si Julie Ann Rodelas na ipabasura sa Quezon City ang kasong murder na isinampa laban sa kanya.

Sa isang urgent omnibus motion na isinampa sa Regional Trial Court Branch 223, sa pamamagitan ng kanyang abugadong Frederick Angel, hiniling ni Fernando Quiambao, Jr.  kay Judge Caridad Walse-Lutero na i-quash ang kaso laban sa kanya dahil sa hindi tamang pagdakip sa kanya. Binigyan ni Lutero ang prosekutor ng 10 araw para magsumite ng kanilang komento.

Sa Revised Rules of Criminal Procedure, sinabi ni Angel na nang arestuhin ang kanyang kliyente na walang warrant noong Nob. 10, “had not committed, actually committed or attempted to commit the charged felony in the presence of the arresting officer,” contrary to provisions on warrantless arrests.

Ang mga kumuwelyong mga police officers sa kanyang kliyente ay dumepende lamang sa mga impormasyon na ibinigay ng third persons, pahayag ni Angel.

Inaresto ng pulisya si Quiambao at ang kanyang nobyang si model Althea Altamirano, sa Apalit, Pampanga sa ikinasang hot-pursuit operation noong Nobyembre 10.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply