Utak sa isa pang pyramiding group arestado ng NBI

NAARESTO ng National Bureau of Investigation ang utak sa likod ng isa pa sa malaking pyramiding group na sinasabing nag-ooperate din sa Pagadian City.

Sa pakikipagpulong ng mga opisyal ng NBI kay Justice Secretary Leila de Lima kahapon, iniulat nito na naaresto na si Glenda Andangan ang founder ng Visioners 2020 International Trading Incorporated.

Naaresto na rin ng NBI ang 10 iba pang kasabwat umano ni Andangan sa naturang pyramiding scam.

Si Andangan ay nahuli sa pamamagitan ng isinagawang entrapment operation kahapon sa Pagadian.

Ayon kay de Lima karamihan sa mga nabiktima umano ng Visionary 2020 ay mga Maranao kung saan ineenganyo sila na mag invest ng salapi sa pangakong magkaka interes ito ng 30 porsyento kada buwan.

Isinailalim na kahapon sa inquest proceeding ang mga nahuling suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply