Utak sa pyramiding scam arestado ng NBI

crime7

NAARESTO na ng National Bureau of Investigation ang utak sa isa pa sa malaking pyramiding group na nag-o-operate din sa Pagadian City.

Sa pakikipagpulong ng mga opisyal ng NBI kay Justice Secretary Leila de Lima, iniulat nito na naaresto na si Glenda Andangan ang founder ng Visioners 2020 International Trading Incorporated.

Naaresto na rin ng NBI ang 10 iba pang kasabwat ni Andangan sa naturang pyramiding scam.

Si Andangan ay nahuli sa pamamagitan ng entrapment operation sa Pagadian.

Ayon kay de Lima karamihan sa mga nabiktima ng Visionary 2020 ay mga Maranao kung saan ineenganyo sila na mag-invest ng salapi sa pangakong magkakainteres ito ng 30 porsyento kada buwan.

Isinailalim na sa inquest proceeding ang mga nahuling suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply