Valerie Concepcion may ‘phobia’ sa pagpapakasal

HINDI pa ikinasal kahit kailan itong si Valerie Concepcion pero parang may tamang ‘phobia’ raw ang actress kapag binabanggit sa kanya ang kasalan. Inalok na pala noon si Valerie ng kanyang ex na isang Chinese businessman na mag-settle down na sila pero umayaw nga ang sexy actress.

Baka mas feel na lang nito ‘yung set-up na chur vahan na lang kaysa matali siya sa buhay. Sabi, masaya naman daw si Valerie kahit wala siyang lovelife ngayon dahil maliban sa kanyang one and only loving daughter ay laging nasa tabi naman nito ang kanyang mommy.

Besides, maganda naman ang takbo ng kanyang career. May nagkokomento na kaya nagiging liberated ngayon si Ms. Concepcion ay dahil sa naging unang karanasan nito sa tatay ng kanyang anak na matapos siyang buntis-buntisin noon ay basta na lang siya tinuwaran nung guy. At dahil sa matinding trauma na nangyari sa kanya ay parang afraid na nga ang nasabing actress na magpakasal.

Ang sabi, maliban kay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, naging karelasyon rin diumano ni Valerie si kuyang Willie Revillame. Is dis true? Just asking lang gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply