Van sumirko sa Cebu; 1 patay. 6 sugatan

ISA ang patay habang anim ang sugatan makaraang bumaligtad ang isang van sa siyudad ng Carcar, Cebu.

Kinilala ang nasawi na si Gomersendo Laluna, 40, ng Barangay Papan, bayan ng Sibonga. Sugatan naman sina Balbin at Johnrel Blanco, Jeren Estomago, Ivan Gorgonia, Artemio Laluna, at Pedro Carcallasir, ang driver ng Toyota L-300 van (puti, may plakang GKS-993).

Nabatid na nagmula sa bayan ng Sibonga ang nasabing van at papunta sana sa siyudad ng Cebu ngunit nang makarating sa naturang lugar, ay biglang may sumulpot na isang mabilis na sasakyan sa interseksyon.

Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng sumulpot na sasakyan ay hindi na naagapan pa ng driver ng van at bumaligtad ito.

Dinala sa Carcar City District Hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Laluna dahil sa matinding sugat na tinamo nito sa aksidente.

Nasa ligtas na kalagayan naman ang mga sugatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply