Vietnamese drug mule timbog sa NAIA

NAIA-pic

TIMBOG sa matatalas na pang-amoy ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang isang Vietnamese national na nakuhanan ng tatlong kilo ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Arturo Cacdac tinatayang umaabot sa P15 million ang halaga ng shabu na nasabat sa babaeng Vietnamese na nagpanggap pa na isang overseas Filipino worker (OFW).

Kinilala ni Cacdac ang Vietnamese na si Pham Thi, 55 anyos at galing umano sa bansang Bahrain mula sa Ghana ang nasabing drug courier bago sa huling destinasyon nito sa bansa.

Dakong alas-12:00 kahapon ng tanghali nang lumapag sa NAIA 1 ang sinasakyang eroplano ng suspect at naharang ito ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at airport Customs personnel. Isinulat nito sa Information sheet ng Immigration na ang kanyang nationality ay pilipino gayung di ito marunong magsalita ng tagalog.

Nakuha mula sa tagong compartment ng kaniyang bagahe ang tatlong kilong shabu na nakabalot sa tatlong kulay asul na supot .Tinangka pa umano ng suspek na manuhol ng airport custom personnel na binibigyan nito ng $100.

Nasa pangangalaga na ngayon ng PDEA ang naarestong dayuhang drug courier para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply