Viloria nag-courtesy call kay Mayor Lim

NAG-COURTESY call kay Manila Mayor Alfredo Lim si WBO at WBA flyweight champion Brian “The Hawaiian Punch” Viloria sa ikatlong pagkakataon sa Bulwagan Gat Antonio J. Villegas ng Manila City Hall kaninang umaga.

Kasama ni Viloria, ang kanyang maybahay na si Erika nang dumating sa Manila City Hall kung saan siya binati ng alkalde sa kanyang pagkapanalo, laban kay Hernan “Tyson” Marquez sa kanilang laban sa titulo ng WBO Flyweight World nitong Nobyembre 17, 2012 sa Los Angeles, California.

Pinasalamatan din ng alkalde si Viloria dahil sa karangalan na ibinigay ng boksingero sa bansa.

“Ang advice ko para sa lahat ng naririto, kailangan talaga ng dedikasyon para maabot nyo ang inyong mga pangarap, just like Brian who is the best, among the best. Brian serves as an example to all of us. So whatever you do, you have to strive for excellence, tulad ni Brian, marami siyang pinagdaanan na hirap, kahit siya’y natatalo kung minsan, tuloy-tuloy pa rin siya sa kanyang gingawa at ‘di sumusuko,” ayon kay Lim.

Hindi naman matapos-tapos ang papuri at pasasalamat ni Viloria kay Lim sa pagbati at pagkilala sa kanya.

“It (Manila) is so special because I was raised like a son here in Manila. Like a son, I have to do my best so that my parents would be proud of me. Manila is like an extended family and Manilans are warm people. That is why I’m always looking forward to coming back here.”ayon kay Viloria.

Pinaalalahanan rin ni Viloria ang mga kabataan na lumayo sa ipinagbabawal na gamot at sa halip ay bigyan ng atensiyon ang sports, tulad ng ginawang pagtuturo sa kanya ng kanyang ama.

“I want to thank everyone and thank all of you for welcoming me here. Thank you for your support,”  dagdag pa ni Viloria.

Ang boksingero ay sinamahan ng alkalde sa motorcade na nagsimula sa Manila City Hall, Taft Avenue, Chinatown in Binondo, Tondo, hanggang sa University Belt pabalik sa City Hall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply