Viloria nasa Pinas na

BUMALIK na ng bansa si unified World Boxing Organization and World Boxing Association flyweight at Filipino boxing champ Brian Viloria kaninang umaga.

Lumapag bandang 3:30 ng umaga ang Philippine Airlines PR-103 na sinasakyan ni Viloria sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Ayon sa ulat, dumiretso si Viloria sa isang hotel sa Makati City kung saan karamihan sa mediamen ay hindi naikober ito dahil unang iniulat sa ilang media representatives na 5:55 a.m ang dating nito.

Matatandaan na pinatumba ni Viloria si Hernan Tyson Marquez sa Los Angeles noong isang Linggo kung saan naganap ang tatlong knockdowns at natapos ang laban sa 10th round nang magtaas ng puting tuwalya ang kampo ng Mehikano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply