Voting precincts pagsasama-samahin

comelec

IPINAG-UTOS ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘clustering of voting precincts’ para sa gaganaping 2013 midterm elections.

Base sa en banc resolution 9562, ang mga pagsasama-samahing voting precincts ay dapat magmumula sa isang barangay at voting center lamang at hindi hihigit sa 1,000 botante.

Ayon sa Comelec, nagpasya silang pagsama-samahin ang mga voting precincts dahil na rin sa kakulangan ng mga public school building na gagamiting polling center at sa limitadong bilang ng PCOS machines.

Inatasan ng Comelec ang Electional and barangay Affairs Department (EBAD) at Information Technology Department (ITD) na siyang magpatupad ng naturang resolusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply