Wala pang clue sa pagpatay sa MSU principal

PITONG taon na ang nakalilipas nang pagbabarilin at napatay din ang mister ni Conchita Ching Francisco, ang grade school principal ng Mindanao State University MSU) na binaril at napatay naman nitong Martes lamang ng gabi sa Tawi-Tawi province.

Ang mister ni Conchita na si Dionisio Francisco Jr, ay pinagbabaril noong Abril 13, 2005 sa tapat mismo ng kanilang bahay sa Tawi-Tawi rin pero nakapagtataka na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang pagpatay dito.

May lumutang na mga katanungan na matulad kaya ang kaso ni Conchita sa pagpatay sa kanyang mister dahil aminado ang Bongao PNP na nahaharap sila ngayon sa blangkong pader sa kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay dito.

Paniwala naman ng kapatid ni Conchita na si Rose Tiamson, na walang kaugnayan ang pagpatay sa kanyang bayaw na si Dionisio sa pagpatay sa kanyang kapatid.

Pero may napansin si Tiamzon sa Manila based nurse na anak ng mag-asawang Francisco na traumatized sa pagkamatay ng kanyang nanay ay tila ayaw nitong umuwi o natatakot itong tumapak sa Tawi-Tawi.

Para, aniyang, may kinatatakutan ang kanyang pamangkin na ayaw na nitong umuwi pa ng Tawi-Tawi para makita ang labi ng kanyang nanay.

“Wala naman sigurong connection pero natatakot pa rin ‘yung anak,” pahayag pa ni Tiamzon.

“Traumatized siya ngayon, hindi makausap nang maayos. Kahit kami ‘di pa namin makausap nang matino. Iyak nang iyak.”

Maliban sa babaeng anak ni Conchita, may dalawa pa itong anak na lalaki na nasa ibang bansa.

Sinabi pa ni Tiamzon na wala silang alam na kaaway ng kanyang kapatid at idinagdag na sa pagkakaalam niya ay maayos ang kanayang trabaho bilang MSU principal.

Si Conchita ay binaril sa ulo habang pasakay sa isang traysikel matapos dumalo sa misa sa isang simbahan sa Bongao town, ayon kay SPO3 Aminkadra Idjilali ng Tawi-Tawi Provincial Police.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply