Wala raw hinanakit kay Coco Martin!

katherine-luna

ANO kaya ang say ni Coco Martin sa muling paglitaw ni Katherine Luna at nagpa-interbyu pa ito sa isang talk show? Matagal ring nawala sa sirkulasyon itong si Katherine at ang huli ngang balita sa kanya eh, ‘yung nagbuntis at nagka-anak siya kay Coco years back. Eh, ngayong bigla na lang nagpa-interbyu ang starlet na itetch, may mga nagkukomento tuloy ano nga kaya ang motibo ni Katherine at may appearance siyang muli?

Sa panayam kay Katherine, napag-alaman naming kapanganganak lang pala nito sa panglima niyang baby at may ka-live in na rin daw siya ngayon.

Tatlong na rin daw pala silang nagsasama at masaya raw si Katherine sa piling ng bagong mahal kahit aminado siyang hindi siya masyadong pinalad pagdating sa pinansyal na aspeto sa buhay. Say pa nito, nagsara na raw ang munti niyang negosyo pero hindi naman raw sila umabot sa puntong nagkukulang na sila sa pagkain, sinisikap pa naman raw nilang dalawa ng kanyang dyowa na ayusin ang buhay nila para makaraos.

Dahil sikat na si Coco ngayon at hindi basta-basta ang mga proyektong ginagawa ng aktor, tinanong rin si Katherine kung ipakikilala ba niya ang kanyang 7-year old daughter sa aktor?

Aniya, hindi raw niya kailanman ipagdadamot ang anak niya sa ama nito. Nakikita rin daw ng bagets si Coco sa TV at sa tuwing napanonood ni Nicole (name ng anak ni Katherine), sinasabi raw ng bagets, “Daddy ko ‘yan!”

Sinabi rin ni Katherine, wala na rin daw siyang anumang hinanakit kay Coco.

Well, hindi pa namin knows kung anik ang reaksyon ni Coco at kung may say ba siya about this?

Abangan.

—————0—————

SA UNANG pagkakataon, humarap sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa ilang kaibigan nilang entertainment press, this time, as husband and wife. Hanggang ngayon hitsurang lutang pa rin sa sobrang kaligayahan si Mina, mixed emotions pa rin daw siya at hindi pa raw siya makapaniwala na ganoon kabilis ang mga naganap nu’ng araw ng November 15.

Sa chikahan namin sa mag-asawa, si Zoren mismo ang nagbigay ng detalye kung paano niya nagawang i-sekreto kay Carmina ang lahat, “Nu’ng sinabi ni Boy Abunda sa kanya, ready ka na ba sa wedding mo? Ru’n na niya na-gets na, eto na nga! Sinikap kong ibigay kay Carmina ang dream wedding na ito, because I want to make her happy.” Say pa ni Zoren, habang touched pa rin talaga si Mina sa gesture ng asawa.

Ikinuwento rin ni Zoren na months ago, inoperahan ang daddy ni Mina at alam ni Zoren na napakahalaga para kay Carmina na nadoon ang ama nito sa kanyang espesyal na araw. Sinabihan raw ni Zoren ang fadir ni Mina, “Daddy Regie, magpagaling po kayo kasi gusto ko nandoon po kayo sa kasal namin ni Carmina, kayo po maghahatid sa kanya sa altar.”

Sa tulong na rin ng butihing manager ni Mina na si Tita D (Dolor Guevarra) at ni Tita SK (Shirley Kuan), bonggang in-organize nina Zoren ang lahat, mula sa wedding invitations, venue, at pati na rin sa mga guests na iimbitahan.

Sa mga nagtatanong kung bakit kokonti lang daw ang mga bisita at bakit iilan lang ang taga-showbiz na imbitado? “Ang talagang marami akong sinabihan at inimbitahan, ‘yung sa mga Villaroel, sa side ni  Carmina. Sa side ko, immediate family ko lang ang nandoon, walang ibang kamag-anak. Kasi mas gusto ko ngang mag-concentrate kay Carmina lang, sa mga nakasama niya at mga naging kaibigan niya sa showbiz.” Paliwanag ni Zoren.

Nakaaantig rin ang sinabi ni Zoren na sa kagustuhan raw niyang mapaligaya ang asawa, pati buong angkan daw ni Carmina at mga kaibigan ng aktres ay sobrang nagpasalamat sa kanya for giving Carmina a spectacular wedding.

Matutunghayan na gaano ito ka-spectacular at ka-fairytale like, sa Sabado, November 24 after MMK.

————–0————-

MATAPOS maging kontrobersyal ang singer/aktres na ito, usap-usapan ngayon ang tila pagkupas na raw ng kanyang bituin na dati-rati’y nakakasilaw sa sobrang kinang, huh? Anik nangyari?

Well, mabait at marami talagang fans ang singer/aktres na ito. In fact, in demand siya hindi lang rito sa Pinas kundi pati na rin sa mga kababayan natin abroad. Eh, kaya lang, naiba lang ang timpla ng umiidolo sa kanya mula nu’ng maging kontrobersyal ang break up niya sa isang aktor dahil hindi niya napanindigan ito. Nasundan rin ito ng isang naudlot rin nilang pagtitinganan ng isa ring aktor na sobrang minahal siya.

Maibalik pa kayang muli ang amor ng fans sa kanya o manatiling sarado na ang pinto nila sa kanilang idolo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply