Walang CCTV, walang business permit sa QC

SISIMULAN na ng Quezon City government ang pagpapatupad ng walang closed circuit television camera (CCTV), wala ring business permit policy sa Enero 2013.

Ito ang direktiba ni Mayor Herbert M. Bautista kay Business Permit and Licensing Chief Garry Domingo na padalhan ng agad ng notices ngayon pagpasok ng bagong buwan para ipaalam sa mga business owners ng kanilang responsibilidad na magkabit ng (CCTV) bago mag-aplay o mag-renew ng kanilang mayor’s permit.

Sinabi ni Bautista na magiging mahigpit sila sa pagpapatupad ng nasabing reglamento lalo na ang malalaking establisimento na nag-ooperayon sa lunsod kabilang ang bangko, pawnshops, gas stations, malls, supermarkets at kahit eskuwelahan.

Binalaan ni Bautista na makukuha lamang ng mga business owners ang kanilang permits kapag nakapaglagay na sila ng CCTV sa kanilang establisimento.

Naniniwala si Bautista na may mapapala ang business establishments sa paggamit ng CCTV lalo na sa pagsawata at paglutas ng krimen.

Kahit aniya ang QC hall premises ay kakabitan ng CCTV sa 2013 bilang parte ng kanilang security measures.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply