Walang ibang malapitan; mga reaction ng taumbayan

burdado-jun-briones2

CALOOCAN City – Ang totoo pong nangyayari rito sa amin ay parang fiesta palagi ang bahay ni Cong. Oscar Malapitan sa dami ng tao na pinaglilingkuran niya at ni Konsehal Alon Malapitan.

Mali po kayo kung sasabihin ninyong hindi sila malapitan sa panahon ng problema naming mga taga-Caloocan.

Katunayan, ang dahilan po kung bakit doon nagsisiksikan sa bahay nina Rep. Oscar Malapitan para humingi ng tulong ang mga taga-Caloocan City ay dahil puro lang po kwento ang mga taga-City Hall pero sa totoo lang, hindi namin sila malapitan sa panahon ng problema.

BULACAN- Sana po ay dumating ang panahon na magbago na si Judge Pelagia Joaquin ng San Jose del Monte.

Ordinaryo na po sa kanya ang ipahiya ang mga tao sa loob ng kanyang sala kapag may hearing. Maging ang mga abogado ay takot po sa kanya lahat dahil lagi po siyang nakasigaw.

-o0o-

CAVITE- Ang mga security agency po sa Cavite ay napakababa ng pasahod, 12 oras ang duty at walang OT pay.

LTO Imus, Kawit- Sana po lihim na paimbestigahan ni Asec. Torres ang tanggapan ng LTO dito sa amin, grabe po talaga ang pangungurakot!

-o0o-

CATBALOGAN, Samar- Totoo po na talagang talamak ang sugal na swertres dito sa amin, at kaya hindi nahuhuli dahil ang financer ay kapatid ni meyor.

-o0o-

EASTERN Samar- Dito po sa aming lalawigan, yung gobernador naming si Aklan Nicart ang mismong GL. Siya ang may hawak ng swertres at pik3 sa lotto (bookies sa Luzon.)

-o0o-

RIZAL- Pakikalampag naman po ng pamunuan sa amin dito sa San Mateo, Rizal  ukol sa napakabahong babuyan sa gitnang bayan 2, katabi ng Villa San Mateo 4. Nagkakasakit na po kami, lalo na ang mga bata.

-o0o-

ALFONSO, Cavite- Grabe po ang anomalya sa reno-vation ng aming palengke. Ang promotor ay si Engr. Henry Ilagan, kasabwat sina Obet Nido, Danilo Araojo, Panting Herrera at Jerry Hernandez. Ang mga binak-las na yero at bakal ay pinera nila at pinaghati-hatian.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply