Wally Bayola, babaero rin noon, good boy na ngayon!

wally-bayola

INAMIN ni Wally Bayola sa presscon ng “D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!” na noong kabataan niya na member siya ng isang banda, ‘di siya nakaiiwas sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Lalaki kasi siya at madaling ma-attract sa opposite sex kaya uso sa kanya ang one night stand noon.

Pero ngayong mature na siya, inalis na niya ang ganitong kaisipan. Katwiran niya, mas magandang asikasuhin ang trabahong nakaamba sa kanilang dalawa ni Jose Manalo kaysa mga ganitong bagay. Tandem kasi silang dalawa sa pagku-comedy at dahil click ang kanilang tambalan, sobrang dami nga ng trabaho nila. Everyday sa Eat Bulaga, Monday to Friday at may once a week pa silang TV program.

Iniiwasan na rin nila ni Jose na tumanggap ng night show sa  Zirkoh. Kapag na lang ‘di maiiwasan, ginagawa nila. Madalang na ito. Payo na rin kasi ito ng mga big boss ng Eat Bulaga, lalo na ang manager nilang si Malou Fagar.

Bale ang D’Kilabots Pogi Brothers…Weh! ang first solo movie nila after ng success ng concert nila sa Smart Araneta Coliseum. Breaking the record sa kinita ang show nang mag-concert sina Jose at Wally sa Big Dome.

Nakatutuwa ang istorya ng D’Kilabots dahil hahabulin sila ng mga babae rito. Si Wally ay mapapangasawa si Pokwang. Si Jose naman ay hahabul-habulin ni  Solenn Huessaff. First team up nila ito.

Dahil in love si Solenn sa istorya kay Jose, hindi maiiwasan ang kissing scenes.

Isang beses raw natuloy ito pagtakatapos ng maraming attempts.

Hiya pa si Jose kay Solenn dahil super ganda ng dalaga at maraming lalaking nangangarap na makasama ito sa pelikula at soap opera. Suwerte si Jose at napapayag si Solenn sa role nito sa movie.

Kasama rin sa movie na produced ng APT Films, M-Zet at Regal Films si Paolo Ballesteros na lalabas all through out ng pelikula bilang bading. Nasa cast rin sina Gina Pareno, Tirso Cruz III, Michael de Mesa mula sa direksyon ni Soxy Topacio, ang director ng box-office hit na “Dead na si Lolo”.

Simula ang showing sa November 28 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

000

HINDI makapaniwala si Andrea Torres na mismong ang kanyang mga fans ang nag-imbita sa kanya para sa isang merienda sa isang fastfood outlet para ma-meet niya ang kanyang die hard fans na palaging sumusubaybay sa GMA7 soap niyang Sana’y Ikaw Na Nga!

Ani Andrea: “Hindi talaga ako mapaniwala na wala akong gagastusin kapag na-meet ko ang mga die hard fans ko. Sila mismo ang nagpa-book sa isang fastfood chain. Tapos, may ginawa pa silang mga parlor games na talaga namang nag-enjoy ako sa pakikipaglaro sa kanila.”

“Nahiya nga ako sa kanila (fans) kaya naman nagdala na lang ako ng mga giveaways. Yung mga bagay na magpapa-alala lagi sa kanila sa akin. Bukod pa sa makasalamuha ko sila na pinaglalaanan ko ng oras.”

Hindi na na-invite ni  Andrea ang kanyang leading man na si Mikael Daez. Gusto kasi ni Andrea na ma-solo ang kanyang fans. Although may fans na ang Andrea at Mikael ngayon, mas gusto ng young actress na masolo ng kanyang die hard fans nasumusubaybay sa kanya mula pa noong nag-start siya sa showbiz when she was barely 16 years old.

Looking back, nagsimula siya sa Cupid Heart. Tapos napasama siya sa iba’t ibang soap ng GMA bago ang SAINN.

Nagpapapasalamat si Andrea sa kanyang mga fans dahil no. 1 sa afternoon primetime soap ang soap nila ni Mikael ngayon. Super extended pa sila dahil mapanonood sila sa ere till January 2013 pa.

000

NAKATUTUWANG panoorin na ang isang Pepito Manaloto (Michael V. ) ay makikigulo rin sa usong Gangnam performer na taga-Korea. Bale rito iikot ang istorya ng comedy show na ito!

Darating sa Pilipinas ang sikat na sikat na Korean Gangnam Performer kaya nang magka-contest sa radyo para sa concert tickets at special backstage passes, tumawag si Clarissa (Angel Satsumi). At bilang caller number seven, nanalo siya. Pero sa hindi inaasahang mga pangyayari, si Chito (Jake Vargas) ang nakausap at ang pangalang naibigay ni Chito ay Tommy Diones (Ronnie Henares). Alam n’yo ba kung sino ang nainggit? Si Deedee (Jessa Zaragoza), ang number one fan ng Korean pop star. Ang inaalala tuloy ni Clarissa sino kaya ang makapapanood ng concert?

Pero teka bakit itong si Clarissa? May isang problema pa, mayroon atang bully sa school nila. Umiinit nang husto ang ulo ni Elsa (Manilyn Reynes) at tila mapapa-away pa sila ni Pepito (Michael V).

Anong gulo ang magaganap para lang sa Gangnam style concert tickets? Bakit umabot sa presinto si Tommy at ano ang eksena niya roon? Rambol na ba ito?

Mapigilan naman kaya ni Pepito ang sumisirit na galit ni Elsa sa magulang ng kaklase ni Clarissa? Ano ang mangyayari sa kanilang mga kumukulong eksena sa principal’s office?

Ngayong Linggo sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento. Ang daming magaganap at mapapa-gangnam ka na lang sa katatawa. Makisaya sa pamilyang milyonaryo ngayong Linggo (November 18) pagkatapos ng 24 Oras Weeknend sa GMA 7.

Panauhin sina Wally Bayola, Debraliz, Ryzza Mae Dizon at Carlos Gonzales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply