Wanted sa 2 kaso, natiklo sa pagdalaw sa nakakulong na mister

crazy

HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang dalagitang wanted sa kasong kidnapping with serious illegal detention nang kuwelyuhan siya ng mga pulis sa loob mismo ng Zamboanga City Reformatory Center habang binibisita ang kanyang nakakulong na mister nitong Linggo ng hapon (Nobyembre 18).

Ang suspect na si Amira Hakim, 17-anyos, alyas Nah, ay  misis ng sub-leader ng Abu Sayyaf group (ASG) na si Benzar Indama na kapatid naman ng lider ng ASG na si Puruji Indama.

Ayon sa hepe ng Zamboanga City police station 6 na si C/Insp. Elmer Acuna, nakatanggap sila ng impormasyon na namataan ang suspect sa city jail kaya kaagad niyang pinapunta ng kanyang mga tauhan para ito ay dambahin.

Dala-dala ni Hakim ang kanyang pitong buwang sanggol at ang kanyang tatlong taong gulang na anak at nanggaling pa sila sa kanilang bahay sa Baranggay Kaumpurna, Isabela City sa Probinsya ng Basilan.

Si Hakim ay itinuturong isa sa mga sangkot sa nangyaring pagdukot sa isang nurse ng isang pribadong ospital ng lungsod na si Preciosa “Chuchay” Feliciano noong Hulyo 7, 2008 sa Zamboanga City.

Napag-alaman na si Hakim ay isa sa mga nagsisilbi kay Feliciano nang dalhin siya sa isang bahay sa may Tipo-Tipo, Basilan.

Ang pagdukot sa nurse ay pinangunahan umano ni Indama.

Pinalaya ng mga kidnapper si Feliciano noong buwan ng Nobyembre sa mismong taon matapos magbayad ng halagang P2 milyong ransom.

Pinasinungalingan naman ni Hakim ang mga paratang sa kanya.

Sinabi pa nito na madalas na rin ang kanyang pagbisita sa Zamboanga City jail matapos makulong ang kanyang mister ilang taon na ang nakakaraan na isinangkot sa isang insidente ng pambobomba sa Basilan subalit wala umano siyang alam na may kaso palang isinampa laban sa kanya.

Sa ngayon, dinala na sa headquarters ng pulisya ang nahuling suspect habang ang kanyang dalawang anak ay kinuha na ng kanyang mga kamag-anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply