Warriors nayanig sa Thunder

warriors

BUMIRA ng triple-double si Kevin Durant upang ilista ang 119-109 panalo laban sa Golden State Warriors sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Niyanig ni Durant ang Warriors ng magtala ito ng 25 points, 13 rebounds at career high 10 assists para ilista ang 8-3 win-loss record ng Thunder.

”I really didn’t care, to be honest. If it came, then that’s cool. If it didn’t, then just keep playing,” sabi ni Durant. ”It feels good to get one. Now, I guess I’ve got a little monkey off my back. I can just go out there and play.”

Hindi pa 100 porsiyentong kundisyon si Durant ng mag-umpisa ang season dahil may nararamdaman itong sakit kung saan ay pinipilit nitong iablik ang dati niyang laro sa opensa.

”There’s going to be nights where I have to score 30. There’s going to be nights where I have to have seven or eight assists,” ani Durant. ”So, I’m just trying to be an all-around player and just continue to help my team win.”

Rumatrat agad ang Thunder as first half ng itala nito ang 59-46.

Si Russell Westbrook ang umiskor ng 30 puntos at pitong assists para sa Thunder habang si Kevin Martin ay nagsukbit ng 23 markers.

Sa ibang NBA results, nakabawi agad ang New York Knicks ng talunin nila ang Indiana Pacers, 88-76.

Nasilat naman ang Chicago Bulls at Boston Celtics sa kanilang mga nakalaban.

Nasukol ng Portland Trail Blazers ang Bulls, 102-94 habang yumuko ang Celtics sa Detroit Pistons, 103-83.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply