Bagong website inilunsad ng DILG para sa full disclosure ng pinansiya ng LGUs

KAUGNAY pa rin sa “Daang Matuwid” ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III nakabuo ng isang website ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para maging bukas sa publiko ang lahat ng transaksiyon at mga yaman ng bawat local government units.

Sa pamamagitan ng pag-log sa Full Disclosure Policy Portal (FDPP) na fdpp.dilg.gov.ph ay mababasa ng publiko ang mahahalagang dokumento ng LGU kagaya ng taunang ulat sa budget, mga statements ng inutang na serbisyo, mga resibo at nagastos ng LGUs, mga statement sa paggastos ng pera kada ikaapat na buwan, mga listahan ng plano sa pagbili at bibilihin, mga isusubastang kagamitan at resulta nito batay sa kalkulasyon.

Kasama rin sa ilalahad sa publiko ng FDPP ang kita sa Special Education Fund (SEF) at tantiya sa ginastos; ulat sa paggamit ng SEF; at accomplishment ukol sa Gender and Development kada taon; paggamit sa Trust Fund (PDAF); 20 percent na Internal Revenue Allotment; at ulat sa ginastos ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Ang disenyo ay galing sa Bureau of Local Government Supervision (BLGS) ng DILG at tulong na nagmumula sa World Bank, Australian Government Overseas Aid Program (AusAID), at Canadian International Development Agency (CIDA).

Layunin din ng website na matulungan ang LGUs na makatugon sa requirements ng Full Disclosure Policy ng DILG sa pamamagitan lamang ng simpleng pag-sign in sa site, at kung wala naman aniyang websites ay puwedeng gamitin ng bawat LGUs ang common portal para sa mga dokumento ng pera.

Noon pang 2010, inilabas ng DILG ang isang Memorandum Circular 2010-083 na may titulong “Full Disclosure ng Local Budget at pinansiyal at pagsusubasta sa publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply