Welcome SSUPT. Rod Llorca at Allied Groups sa Bilibid

burdado-jun-briones2

TENYENTE pa lang noon si Rodolfo “Rod” Llorca nang makilala natin sa Masbate.

Bilang presidente ng media group doon at publisher ng isang lokal na tabloid, nasubaybayan natin ang trabaho at pagkatao ni Rod.

Major na siya at graduate ng Bachelor of Laws nang ma-assign dito sa Maynila.

Pero noon pa man, dahil sa kanyang dedikasyon at na-iibang istayl sa paglutas ng mga malalaking krimen ay ma-rami na ang naniniwala na isang araw ay makasusungkit si Rod Llorca ng Star.

Ngayon, Rod, you’re just one step closer to it!!!

Para kay Mayor Tony Calixto, mabuhay ka, meyor, dahil sa husay sa serbisyo niyang si Rod Llorca ay halos nakatitiyak ka na, na ang Pasay City ay nasa mabuting mga kamay!

Col. Llorca, dito mo ngayon ipakita yung istayl mo sa “crime prevention at crime solution,”  natitiyak kong mabibigyang-pansin ka ng PNP hierarchy!

-o0o-

PARA kay Sec. Leila de Lima;

Madam, titiyakin ko sa iyo na “very reliable” ang sources ko sa dalawang maletang pera ng “commando” na si Peter Co na nakuha ng tatlong NBI agents na pumasok noong isang araw sa Dorm. 4-D ng Maximum Scty. compound.

Kung totoong hindi ito ipinaalam sa iyo ay tiyak po na nagkaroon ka ng malaking bukol!

Huwag ka ring basta na lang maniniwala sa ipiprisintang suspek sa iyo kaugnay sa paghagis ng granada.

Pakitimbangin ninyo itong mabuti dahil uso po sa “loob” ang pagpapaako sa maling suspek.

Makatutulong po sa iyo, Madam Secretary, kung malalaman mo ang tungkol sa “allied groups” sa loob ng Bilibid.

Dahil kung may nasasangkot man na “allied groups” sa insidente, ito ay bibihira at hindi sa napaka-grabeng pangyayari, dahil numero uno itong ipinagbabawal ng pangkat.

Bukas ko ilalahad ang kumpletong alyansa sa loob.

Pero kahit magtanong ka, madam, ang Batang City Jail (BCJ) ay “allied group” ng Batang Samar-Leyte (BSL).

Kaya imposibleng BSL ang maggagranada sa BCJ!

oOo

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply