Welder nakuryente sa Makati, tepok

bangkay-2

TEPOK ang isang welder at cladding installer nang makuryente habang nagkakabit ng kisame sa isang condominium sa Makati City.

Kinilala ang biktima na si Julius Navor, 48 , na nakuryente habang nagkakabit ng ceiling frame sa ika-44 palapag ng One Pacific Place sa H.V. Dela Costa Street sa Salcedo Village.

Agad na dinala sa Makati Medical Center (MMC) ang biktima ngunit sinawimpalad na binawian din ng buhay.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply