Western Command pumalag sa banta ng China

PUMALAG ang AFP Western Command sa banta ng China na sisitahin at papanikin ng Chinese Navy or China Maritimer Authority ang mga barko na papasok sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea or West Philippine Sea.

Ayon kay Western Command chief Marine Ltgen Juancho Saban, “hindi pwede yun, hindi pwede yun, violation yun ng international passage.”

Nabatid na may mga lumabas na  ulat mula sa Chinese news agencies (media) na: “China will board vessels that enter their claimed territories in south china sea.”

Kaugnay nito sinabi ni Saban na nakahanda naman silang magbigay ng seguridad sa mga civilian or military vessels sa area na sakop ng Pilipinas ayon sa kanilang kakayanan.

“May regular patrols naman tayo, may ano tayo, navy lagi, saka coast guard, inano rin natin ang coast guard.

Sinabi pa ni Saban na sobra na ang ginagawa  ng China.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply