White Knight Tours mini-shuttle inilunsad

wkt

INILUNSAD ng White Knight Tours ang kanilang 15-seater mini-shuttle service na layong serbisyuhan ang mga bisita ng White Knight Hotel at maipasyal ang mga ito sa makasaysayang lugar ng Intramuros, Maynila, Biyernes ng umaga.

Ang okasyon ay pinanguhan ni US Ambassador Harry Thomas. Kasama rin sa dumalo ang iba pang miyembro ng diplomatic community na sina Amb. Mohsin Razi ng Pakistan, Amb. Menashe Bar-On ng Israel, Ms. Lilia Perez, mula sa Cultural Department ng Spain Embassy.

Matapos ang “blessing” ng shuttle service, sina Amb. Thomas kasama ang iba pang miyembro ng diplomatic community ay binigyan ng mini-tour para makita ang ganda ng Intramuros.

Ang shuttle service ay maaring i-avail ng individual o group. Ideyal din ito para sa mga pamilya na nais maikot ang Intramuros area sa murang halaga. Nagbibigay din ang White Knight Tours ng discounts para sa group tour package.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano ma-avail ang White Knight mini-shuttle service, maaring tumawag sa mga telepono 526-6539 o 526-6181. Ang White Knight Hotel ay matatagpuan sa Plaza San Luis Complex Gen. Luna cor. Urdaneta St., Intramuros, Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply