Wil Time Bigtime magbababu na?

willie-revillame

LALAYASAN na nga ba ni Willie Revillame ang TV5? Titiklop na nga ba sa ere ang Wil Time Bigtime? Iyan ang malalaman natin sa big announcement ni Willie sa January 5, 2013.

Sa episode kagabi, Nobyembre 20, ng Wil Time Bigtime ay ginulantang ni Willie ang mga manonood at staff ng programa sa kanyang mga pahayag na nagpaalam na siya sa management ng TV5.

Ayon sa kontrobersyal na TV host, mayroon siyang importanteng announcement ukol sa magiging kapalaran ng kanyang primetime variety show sa naturang istasyon.

Ani Kuyang Wil, January 5, 2013 malalaman ang kanyang desisyon.

Sa umpisa, akala ng lahat ay biro lamang ang mga pahayag ni Willie ngunit sinabi nito na talagang nagpaalam na siya sa management.

“Akala ninyo nagbibiro ako? Seryoso ako… may huling araw po ako dito—January 5.”

“January 5, abangan ninyo, mag-a-announce ako ng desisyon kung ako’y magtutuloy pa sa programang ito.” pahayag ni Willie.

Sinabi rin ni Willie sa kanyang mga staff, dancers na maghanap-hanap na ng dapat nilang puntahan.

“Ia-announce ko kung bakit, kung anong rason. Basta malalaman ninyo… January 5.

Gayunman, tiniyak ni Willie sa mga viewers ng programa na mamimigay siya ng malalaking premyo hanggang Pasko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply