Wizards inaalat pa rin

wizards

PATULOY pa ring pinuputakte nang kaalatan ang Washington Wizards dahil muli na naman silang nabigo laban sa Indiana Pacers, 89-96 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Tanging ang Wizards na lang ang hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang siyam na laro.

Ganunpaman, binigyan ang Wizards ng standing ovation ng mga fans sa pagtatapos ng third quarter matapos nilang habulin ang 20 puntos na kalamangan ng Pacers at naibaba ito sa apat, 67-71.

Tumikada ang pambato ng Pacers na si David West ng 13 points sa fourth period upang iwanan na ng tuluyan ang Wizards.

Tumapos si West ng season-best 30 points at walong boards habang nag-ambag si Roy Hibbert ng 20 points, 12 rebounds at three assists.

May 5-7 win-loss slate na ang Pacers at ang susunod nilang makahaharap ay ang New Orleans Hornets.

Si Bradley Beal ang nanguna sa opensa para sa Wizards matapos bumira ng 18 markers at dalawang rebounds habang sina Kevin Seraphin at Jordan Crawford ay bumakas ng tig 13 at 11 pts, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pinigil ng Denver Nuggetes ang Memphis Grizzlies, 97-92.

Kumadena ng walong dikit na panalo ang Grizzlies bago nabigo sa Nuggets.

May kartang 8-2 panalo-talo ang Grizzlies habang 5-6 ang baraha ng Nuggets.

Sa ibang NBA resulta, nagwagi ang Los Angeles Clippers sa San Antonio Spurs, 92-87 habang dinagit ng Atlanta Hawks ang Orlando Magic, 81-72.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply