World AIDS day gugunitain bukas

HIV AIDS

GUGUNITAIN ang “World AIDS Day” bukas, Sabado (Disyembre 1) na may temang “Getting to Zero: Zero new HIV infections. Zero Discrimination. Zero AIDS-related deaths”.

Tumutukoy ang naturang mensahe sa layuning magkaroon ng isang mundo na ang mga tao ay protektado laban sa HIV at ang mga taong may HIV naman ay mas malusog at mayroong mas mahabang buhay.

Kaugnay nito, tututukan ng World Health Organization (WHO) ang nakakaalarmang pagdami ng kaso ng HIV infections sa mga lalaki, na nakikipagtalik sa kanilang kapwa lalaki at mga transgender sa Asya.

Nanawagan ang WHO sa Western Pacific sa lahat ng pamahalaan na dagdagan pa ang kanilang pagsusumikap para masugpo ang HIV epidemic sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki at gayundin sa mga transgender o nagpapalit ng kanilang kasarian.

“We need to strengthen our programmes to ensure that these key populations receive the support they need to protect themselves,” ayon pa kay Dr. Shin Young-soo, WHO Regional Director for the Western Pacific, sa isang kalatas.

“We need to scale up and improve sustained, comprehensive, effective and stigma-free HIV prevention efforts focusing on and working with men who have sex with men and transgender people,” aniya.

Iginiit naman ng WHO na makakamtan ang isang mundong ligtas sa HIV infection basta’t maaga lamang na ma-diagnose ang sakit at mabigyan ng life-saving antiretroviral treatment.

Dapat rin umanong magkaroon ng access ang mga mamamayan sa mga pangunahing health commodities tulad ng male at female condoms, lubricants at malinis na karayom at heringgilya para sa epektibong prevention ng HIV transmission.

Dapat rin umanong magkaroon ng de kalidad at stigma-free health care at prevention services sa bawat bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply