World Cup bound umaarangkada sa bowling

MAGANDANG pangitain ni World Cup bound Krizziah Tabora dahil nanguna agad ito sa Open Ladies event sa 41st PBC-POC-PSC Open Championships sa SM Lanes sa Mall of Asia, Pasay City.

Nagpagulong si Tabora ng TBAM-Prima ng 1201 pinfalls (612-589) para angatan si Asian Youth girls’ Masters champion Alexis Sy (1142).

Ang kasama naman ni Tabora sa team na si dating world bowling champion Biboy Rivera ay nagtala ng 1199 (631-564) para manguna sa Class O men’s singles sa dalawang linggong pa­laro na inorganisa ng Philippine Bowling Congress at suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at iba pa.

Sumegundo si George Ongkeko ng TBAM-PSB na may 1170 habang tersero si Mar Serac ng TBAM-Prima na may 1167.

Nadodomina naman ni little known Ceasar Muere ang Class A men matapos magpagulong ng 1212 (613-599) habang nasa ikalawa si Ramil Cisneros na may 1211 at si PTBA-PSB bowler Willy Lim ang nasa ikatlo na may 1165 pinfalls.

Hindi naman nagpadaig ang tournament deputy chairman at panlaban ng TBAM-Prima na si Girlie Solis ng maka-iskor ng 1165 (525-640) upang layuan sina Adrea Laureano (QCBA-Eagle Ridge) at Rochelle Munsayac (TBAM) sa kanilang 1077 at 1068 sa ladies’ Class A singles ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply