World Day of Remembrance for Road Traffic Victims

SA DARATING na Nobyembre 18, 2012 gaganapin ang World Day of Remembrance for Road Traffic Victims kung saan aalalahanin ang mga naiwang memorya ng mga naging biktima ng mga road accident sa buong mundo.

Dito sa Pilipinas isasagawa ang programa sa SM By the Bay, Mall of Asia, Pasay City mula alas-tres ng hapon hanggang alas-sais ng gabi. Para sa taong ito, ang tema ng programa ay REMEMBER, REFLECT and RESOLVE kung saan naghanda ang mga organizers ng program para sa pag-alala sa mga naging biktima ng aksidente sa kalsada at pagpapaalala na rin sa mga motoristang bumibiyahe na palawakin pa ang disiplina at maintindihang mabuti ang responsibilidad ng bawat isa pagdating sa kalsada.

Kaya naman iniimbitahan ang lahat na maki-isa upang mapalaganap pa natin ang kaligtasan at pag-iingat ng bawat Pilipino sa oras na bumibiyahe ang bawat isa para mabawasan at maiwasan na ang aksidente na nagaganap sa kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply