Year of the Faith, inilunsad ng Archdiocese of Manila

INILUNSAD  na ng Archdiocese of Manila ang Year of Faith San Fernando de Dilao Parish Church sa Paco, Maynila.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal-designate Luis Antonio Tagle  na kadarating lamang kamakailan mula sa Vatican City matapos dumalo sa Synod of Bishops.

Nabatid na ang Year of Faith ay imbitasyon sa mga Katoliko para muling pag-aralan ang turo ng Simbahang Katolika kabilang ang Katesismo.

Ang tradisyunal na sayaw na tinatawag na Buling-buling na alay sa Patron ng Sto.Nino ay isa lamang sa kabilang sa programa sa paglulunsad ng Year of Faith.

Mula Oktubre 11, hanggang Nobyembre 24, ng susunod na taon naman ioobserba ang Year of Faith ng Simbahang Katolika.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply