Zoren, Carmina kasal na

IKINASAL na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa isang simpleng seremonya matapos ang mahigit 14 taong pagsasama.

Ani Zoren, ito na ang katuparan ng kanilang mga pangarap kung saan kasal na lang ang kulang sa buhay nilang mag-asawa dahil mayroon na silang kambal na sina Cassy at Mavy.

Inakala ni Carmina na isang photoshoot lang ang kanyang pupuntahan kaya’t nabigla siya nang malamang totoong kasalan na pala iyon na pinaghandaan nang husto ng kanyang  kabiyak na si Zoren sa Fernwood Gardens, Alabang.

Dinaluhan ang naturang kasalan ng malalapit nilang kaibigan at mga kamag-anak.

Nabatid na bago ang naturang kasalan, sinorpresa rin ni Zoren si Villorel ng isang regalong 4×4 Expedition.

Matatandaan na taong 2002 pa na-annul ang kasal ni Carmina kay Rustom Padilla, ngayo’y BB Gandanghari.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply