1 pang bagyo papasok bago matapos ang 2012

PAGASA-DOST

HINDI pa man humuhupa ang panananlasa ng bagyong Pablo ay nagbigay abiso na naman ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa isa pang bagyo na inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taong 2012.

Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel T. Servando ang kanilang abiso ay sa harap ng paghagupit ngayon ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Servando na kalimitang nasa dalawang bagyo ang tumatama sa bansa tuwing buwan ng Disyembre.

Gayunman, sa ngayon ay walang namo-monitor na ibang bagyo ang PAGASA at umaasang sana’y huling bagyo na si bagyong Pablo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply