1 patay, 2 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Makati

BINAWIAN ng buhay ang isang security guard habang dalawa pa ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa McKinley Road, Makati City.

Dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan, nasawi si Jeffrey Baring, 46, sekyu ng Taguig City. Sugatan din sa pangyayari ang angkas nitong si Audrey Agbulos at ang sakay ng nakasalpukang motorsiklo na si Gilbert Telosa.

Isinugod ang dalawang sugatan sa Ospital na Makati habang patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply