1 patay, 2 sugatan sa pamamaril

TODAS ang isa habang dalawa pa ang sugatan kabilang ang isang menor de edad nang tamaan ng  ligaw na bala matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin Linggo ng gabi Dec. 2, sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Marvin Gamutia y Belarma, 35, binata, ng Salasalay St., ng lungsod sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng 9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pawang inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial hospital sina Marvin Maraja y Casas, 28 may asawa, ng Brgy. Longos Malabon at ang menor-de-edad na si Erwin Rodano, 16, sanhi ng tinamong tama ng nasabing pamamaril.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 9:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa  DDYC covered court sa Sabalo St. ng nasabing lungsod.

Nabatid, nilapitan ng dalawang suspek sina Gamutia at si Maraja habang ito ay nagkwentuhan  sa nasabing palarauan ngunit lingid sa kalaaman ni Marvin siya ang target ng mga salarin.

Sunod-sunod itong pinaputukan ang biktima habang si Maraja naman ay nahagip ng bala sa kanang bahagi ng baywang.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanang kamay si Rodano habang ito ay natutulog sa loob ng kanilang bahay na di kalayuan sa pinangyarihan.

Nakarekober ang mga otoridad ng  walong basyo ng 9mm pistol na ginamit ng mga salarin.

Inaalam ng mga pulis ang tunay na motibo sa insidente habang isang manhut operation naman ang inilatag ng mga awtoridad laban sa mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply