1 patay, 4 sugatan sa magkahiwalay na insidente

PATAY ang isang lalaki lulan ng kanyang motorsiklo matapos itong maipit ng dalawang kotse sa ibabaw ng flyover sa Lawton, Maynila.

Kinilala ng Manila Traffic Bureau ang biktimang si Jayson Manguya, 28 anyos at nakatira sa nasabi ding lugar.

Lumalabas sa pahayag ng ilang saksi sa pangyayari na mabilis umano ang takbo ng dalawang kotse at napagitnaan ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo hanggang sa maipit ito.

Mabilis namang humarurot ang dalawang kotse kaya naman hindi naplakahan ang mga ito.

Samantala, sugatan naman ang apat katao matapos na mahagip ng isang sasakyan sa may P. Burgos Avenue tapat ng National Museum kagabi.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply