10-anyos totoy pisak sa trailer truck

LASOG ang katawan ng 10-anyos na lalaki, makaraang masagasaan ng rumaragasang trailer truck  sa Tondo,Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si John Vincent Jimuel, ng Peñalosa St., Tondo,  habang nasa kustodiya na ng Manila Police District-Traffic Enforcement Group ang drayber na Ricardo Inocencio, 42.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali kanina nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Nicanor Jimenez at Moriones sa Tondo.

Nabatid na hindi umano napansin ni Inocencio ang biglang pagtawid ng biktima kaya niya ito nahagip at nasagasaan.

Dahil dito, sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Inocencio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply