10 prosecutor hiniling ng Comelec sa DOJ

NAGPASAKLOLO ang Commission on Elections (Comelec) sa Department of Justice para sa binuong special task force ng Comelec na tututok sa imbestigasyon at prosekusyon ng mga kaso na may kinalaman sa paglabag sa eleksyon.

Batay sa Resolution Number 9584, hiniling ng Comelec kay Justice Secretary Leila de Lima ang pagtatalaga ng 10 DOJ Prosecutor na magiging bahagi ng task force para sa National Capital Region at dalawang prosecutor naman sa bawat lalawigan.

Tinawag na Comelec-DOJ Special Task Force ang nasabing task force.

Ito ay alinsunod sa Section 43 ng Republic Act 9369 kung saan tinukoy na may concurrent jurisdiction ang DOJ para magsagawa ng preliminary investigation sa lahat ng mga election offenses.

Magiging tungkulin ng Task Force ang pagsasagawa ng inquest proceedings sa mga mahuhuling lumabag sa batas sa eleksyon isang araw bago ang botohan at sa mismong araw ng halalan at tumulong sa mga opisyal ng Coelec sa pag-iimbestiga ng mga election cases.

Ngayon ang huling araw ng paghahain ng substitution o pamalit ng mga kandidato ng isang partido pulitikal na umatras sa kanyang kandidatura.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9518, pinapayagan lamang hanggang sa araw na ito ang paghahain ng kandidatura ng mga substitute candidate para maihabol ang kanilang pangalan sa opisyal na balota.

Gayunman, para sa mga kandidato na pumanaw o pinal nang nadiskwalipika, bibigyan pa rin ng pagkakataon ng Comelec ang partido nito para makapaghain ng substitution hanggang sa mid-day ng araw ng eleksyon, pero dapat ang substitute candidate ay may kaparehong apelyido.

Nilinaw pa ng Comelec na pinapayagan lamang ang substitution para sa mga kandidato ng political party at hindi sa mga tumatakbo nang independent.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply