100% amnestiya sa pagbabayad ng buwis sa Marikina iniutos

HINIKAYAT ni Mayor Del De Guzman ang mga residente na magbayad ng buwis sa tamang oras bilang bahagi ng pagbibigay ng 100% amnestiya para sa mga ipinataw na multa at interest sa Real Property Tax (RPT) ng mga residenteng hindi nakapagbayad sa tamang oras.

Nakasaad ito sa Ordinansa Bilang 65, Serye ng 2012 o “Ordinance granting relief on interests and penalties to delinquent real property taxpayers in the city of Marikina and the availment of 50% reduction on real property tax for the year 2013.”

Ang amnestiya sa Real Property Tax ay nagsimula noong ika-19 ng Nobyembre 2012 at magtatapos sa ika-31 ng Marso 2013 kung kaya’t hinihimok ni De Guzman na samantalahin ang ibinibigay na amnestiya upang makapagbayad ng buwis at maiwasan ang public auction.

“Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Marikina na sa pamamagitan ng ordinansang ito, marami sa ating mga residente ang magbabayad ng kanilang mga bayarin o kakulangan sa buwis sa tamang  oras upang maiwasan ang anumang interest o multa sa hinaharap,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Bukod dito, ang mga residenteng nakapagbayad na ng kanilang kakulangan o nakapag-update na ng kanilang bayarin sa buwis ay maaaring makatanggap ng 50% kabawasan para sa kanilang  buwis sa 2013.

Ang 50% kabawasan sa real property tax ay alinsunod sa ipinasang Ordinansa Bilang 88, Serye ng 2010 bilang tulong ng lokal na  pamahalaan ng Marikina sa mga residente dahil sa pagsalanta ng Bagyong Ondoy noong 2009.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa amnestiya sa buwis at 50% kabawasan sa Real Property Tax, maaaring makipag-ugnayan sa City Treasury Office sa numero bilang (02) 646-1623, 646-6453, at 646-6454, o bumisita sa tanggapang ito sa 1/F Marikina City Hall, Brgy. Sta. Elena, Marikina City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply