11 domestic flights, kinansela

UMAABOT na sa 11 ang kanseladong domestic flights dahil sa masamang panahon.

Kaugnay nito, umakyat naman sa siyam ang kanseladong flights ng Cebu Pacific patungong Caticlan at pabalik ng Maynila.

Kinansela na rin ng nasabing airline ang biyahe nito patungong Virac, Catanduanes at pabalik ng Maynila dahil sa sama ng panahon.

Noong Miyerkules, bumalik sa Maynila ang eroplano ng Air Phil Express mula Virac matapos na hindi makita ng piloto ang runway ng Virac Airport dahil sa sobrang dilim bunga ng hamog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply