Botong 113 pabor sa RH hindi na mababaligtad

MALABO nang mabaligtad pa ang bilang na 113 na bomoto ng pabor sa kontrobersyal na Reproductive Health bill sa halip ay madaragdagan pa ito sa sandaling magbotohan sa Lunes para sa ikatlo at huling pagbasa.

Ito ang paniniyak ng mga pangunahing awtor ng House Bill 4244 o ang Reproductive Health (RH) bill matapos makuha ang pagpabor ng may 113 na kongresista samantalang 104 ang tutol at tatlo ang nag-abstain.

Minaliit lamang nina House Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II, Albay Rep. Edcel Lagman, Iloilo Rep. Janette Garin, at Akbayan party-list Rep. Walden Bello, ang pahayag ng mga kongresista na anti-RH  na itataob nila ang 113 na bilang upang tuluyan nang maibasura ang panukala.

“We are confident of sustaining the approval of the RH bill when we vote on this by Monday or Tuesday. Proponents of the measure have the momentum and we predict a wider gap as more lawmakers may participate in the voting,” ani Gonzales.

Bagama’t nasa 285 ang kabuuang miyembro ng Kamara ay 220 na kongresista lamang ang lumahok sa makasaysayang botohan.

Naniniwala naman ang mga kilalang tutol sa RH bill na sina House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Davao City Rep. Karlo Alexi Nograles na hindi pa tapos ang laban at nananatili ang kanilang pag-asa.

“Sa tingin ko dahil ganito kalapit ‘yung boto, sa third reading puwede pang magbago ito. Mayroon pang third reading and it will send a very strong signal to Malacañang at sa taong-bayan na ang measure na ito ay hindi majority decision ng taong-bayan,”  ani Magsaysay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply