115 mangingisda na nawawala, pinaghahanap

PATULOY ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 115 mangingisda na nawawala lulan ng isang fishing boat.

Ayon sa PCG, nagmula ang mga mangingisada sa General Santos City  at Saranggani lulan ng 18 fishing boats.

Posible umanong natangay ng malalakas na alon ang mga mangingisda nang humagupit ang bagyong Pablo kung saan hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nakababalik sa kanilang homeport.

Maging ang kanilang mga pamilya at operators ng fishing boat ay hindi na rin makontak ang mga tripulante.

Umaasa naman ang pamilya ng mga mangingisda na mahahanap silang buhay  at napadpad lamang sa ibang lugar upang makapagkubli.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply