11,780 pasahero stranded sa mga pantalan

PCG

KINUMPIRMA ngayon ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Lt. Commander Armand Balilo na umabot na sa 11,780 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta.

Sa tala ng PCG umabot na sa 3,374 pasahero ang stranded sa Calapan port, 3,250 pasahero sa Manila South Harbor at 1,578 naman sa Batangas port.

Sa ngayon ay naghihintay na lamang ang PCG ng go signal mula sa PAGASA kung maaari nang makapaglayag ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply