12 magsasaka hinimatay sa hunger strike

AABOT sa 12 magsasaka ang  hinimatay sa gitna ng kanilang isinasagawang hunger strike sa harap mismo ng opisina ni Agrarian Reform Secretary Gil Delos Reyes  sa  ikaapat na palapag ng DAR Bldg. sa Elliptical Road, Diliman Quezon City  kaninang  umaga.

Agad naman silang isinugod sa East Avenue Medical Center.

Kabilang sa  mga  hinimatay  na magsasaka  ay  sina  Joel Pertes ,46, Monico Alonsabi, 63, Regino Quezada , 46, Mark Valderas, 24, Doreta Vargas , 63,  Aileen Suspeñe, 38, Merlyn Gordon, 50, Marilyn Diaz, 53, Adelina Tranghia, 53, Delmor Segura, 40, Ryan Hechanova 26, Anthony Tranghia 20.

Ayon sa  ulat, alas 9:30 ng umaga kanina nang  isa-isang bumagsak ang  12  magsasaka  na nagsasagawa ng  hunger  strike sa  DAR  office.

Nauna  rito  magugunitang  nitong nakalipas na  Sabado  ng tanghali December  15, 2012 nang makubkob ng mahigit 80 magsasaka  na miyembro ng Task Force Mapalad  ang  ikaapat na palapag  ng DAR building at saka  nagkampo roon.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Ka Jerry Cahilig, kung dati’y ang  pagpapatupad lamang ng Comprehensive Agrarian Reform Law ang kanilang  panawagan  ngayon ay nakikiisa na  sila sa panawagan ng mga  empleyado ng DAR na magbitiw sa  pwesto si  Secretary Gil  delos Reyes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply