12 suspek sa hijacking, kinasuhan na

MPD-HeadQ

KINASUHAN na ng Manila Police District (MPD) ang 12 suspek na magkakakutsaba sa pagha-hijack sa isang 10-wheeler truck na may laman na tone-toneladang wire rod na nagkakahalagang  P.6 milyon noong Biyernes ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kasong Hijacking, usurpation of authority at falsification of public documents ang isinampang kaso laban sa umano’y mastermind at nagpanggap na miyembro ng Philippine Ntaional Poiiced (PNP) na si Fritz Gerald Edquilante, 29, binata ng Zapote Las Pinas City habang hijacking at paglabag sa BP No. 6 (Possession of deadly weapon) ang isinampa kina Jonathan Capisnon, 48 ng Port Area, Manila; Joy Abraham, 24 ng Baseco Port Area, Manila at Ely Samson, 42 ng Port Area, manila.

Paglabag naman sa PD 1612 o Anti Fencing Law ang isinampang kaso laban kina Benjie Bohocan, 32; Ogie Bohocan, 38 at Caloy Bohocan, 31, pawang esidente ng Valenzuela City; Ernesto Marasigan, 43 ng Novaliches Quezon City; Rachally Alverz, 23 ng Valenzuela City; Climaco Alibanon, 36 ng Port Area, Manila, Redentor Aguilar ng Pasay City at Eduardo Baluyot, 45 ng Port Area, Manila.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ng isang Mark Sy Lu, 43, may-ari ng Dynamic LU4M Trucking ng 30 9th Ave., Caloocan City; Orlando Ramos, 31, truck driver at Soreto Magguimba, 24,  truck helper.

Ayon kay Chief Insp Danilo Buyao, Hepe ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU), dakong 8:00 ng gabi noong Biyernes nang unang  naaresto sina Capisnon, Abraham at Samson sa Port Area, Manila habang 11:00 ng umaga noong Sabado nang dakmain si Edquilante sa kanto ng Salas at MH Del Pilar Sts., Ermita, Manila. Sa Sauyo Road, Quezon City naman dinampot  ang natitirang 8 suspek.

Nabatid na dakong alas  2:30 ng madaling araw nang harangin ng 4 na suspek kabilang si Edquilante na nakauniporme pa umano ng Special Action Force (SAF) sakay ang isang kulay green na Nissan Vanette van (UMF 338) ang minamaneho Izusu truck PTE 287) ni Ramos kasama si Magguimba na may kargang wire rod sa harapan ng SM Hypermart sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa salaysay ng mga biktima, sila ay tinutukan ng baril at tinalian ang kanilang kamay gamit ang isang packaging tape habang ang isa sa suspek ang siyang nagmaneho at pinasibad sa direksiyon ng Norte. Pagdating sa San Jose Del Monte City, Bulacan ay ibinaba ang mga biktima.

Agad namang nagreport sa pulisya ang mga biktima nang makabalik sa Maynila na nagresulta ng sunod-sunod na pagkakaresto ng mga suspek.

Narekober ng pulisya ang truck na may laman na wiring rod at ang ginamit sa get-away vehicle ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply