1,200 trabaho at bagong kakayahan ng Pinoy

ito ang totoo

“STRIKE STEEL” ang tawag sa seremonyang ginawa nitong Biyernes sa Keppel Subic Shipyard bilang hudyat ng simula ng paggawa ng Depletion Compression Platform (DCP) para sa Phase 3 ng Malampaya gas field sa West Philippine Sea malapit sa Palawan.

Ito Ang Totoo: mahalaga ang Malampaya sa bansa dahil hang-gang 45% ng supply ng kuryente sa Luzon ay mula sa tatlong planta sa Batangas na sinusuplayan nito ng natural gas.

Ang paggawa ng DCP ay ba-hagi ng aksiyon upang mapanatili ang volume ng nakukuhang gas sa  Malampaya  at mapahaba pa hanggang 2029 ang supply nito.

May 1,200 bagong trabaho mula welders hanggang engineers ang nilikha ng kontrata ng Keppel Subic Shipyard sa Shell Philip-pines Exploration (SPEX) na katuwang ang Chevron, PNOC-EC at Dept. of Energy.

Ito Ang Totoo: kauna-unahang pagkakataon kaya simula ito ng pagkakaroon ng kakayahan ang mga Filipino na gumawa ng DCP na dati’y sa Singapore, America at Europa lamang ginagawa.

Bukod kasi sa repair at pagbuo ng barko, idinagdag na ng Keppel Subic Shipyard ang paggawa ng DCP bilang serbisyo kaya umaasa rin ang kompanya na hindi lang Shell ang magiging kliyente nito kundi iba’t ibang kompanya pa sa buong daigdig kaya darami pa ang malilikhang trabaho at aangat pa ang kakayahan ng manggagawang Filipino, partikular sa Keppel Subic Shipyard, at maging sa yarda ng Keppel sa Bauan, Batangas.

Hindi nakarating sa “Strike Steel Ceremony” si PNoy dahil pinuntahan niya ang mga sinalanta ng bagyong Pablo pero nagpadala siya ng mensahe kay DOE Usec. Josefina Patricia M. Asirit na pumupuri sa “private-public partnership” na aniya’y nagbibigay-kakayahan sa bansa na tiyaking “secured” ang “energy security” nito.

Ito ang magandang balita sa nakalipas na linggo sa harap ng mga nakapanlulumong pananalanta sa milyon-milyong mamamayan ng bagyong Pablo at pagtulog ni Manny Pacquiao nang nakatayo. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply